Uppercut ni Danny Simon
E-mail: [email protected]
MATAGAL na ring di nagparamdam ang tsokaran nating si Graham Lim -ang kontrobersiyal na opisyal ng kumikikig pang Basketball Association of the Philippines na mas tanyag sa taguring BAP.
Magmula nang makabangga nito dahil sa prinsipiyo ang ilang mga pader sa sports community ay naging masalimuot na ang pamumuhay ng isang taong ang tanging kasalanan sa kalaban ay di nito ipinagkanulo ang dangal bilang maginoo sa ipinaglalaban at ipinagtatanggol na samahan pati na ang mga konsernadong naging katuwang sa pagmantini ng isang asosasyong ligal sa lahat ng aspeto.
Pinagalaw ng malakas na katunggali ni Graham ang lahat ng galamay at ang unseen force ang tunay na nakaapekto sa dapat sana ay normal na pamumuhay nito hanggang sa umabot pa sa bahaging pati pamilya nito ang nagsa-suffer nang husto pero nauunawaan siya ng kanyang magi-ina sa laban ng ama.
Unti-unti na ring nalalagas ng kanyang mga tapat na alagad na di na makayanan ang presyur ng sakripisyo dahil kailangan din nilang buhayin ang pamilya nila bagaman at mayroon pa ring tunay na kasangga hanggang katapusan ng laban.Iyong iba sa kanila kahit na nasa kabilang bakuran na at lumalasap ng sagana pero lihim pa ring kumikislap ang mata kapag may nababalitaang positibo sa kanilang dating idolo sa liderato.
Meron talagang mga tunay na kaibigan si Graham na hangga ngayon ay may pisi para ayudahan ang kanilang embattled na kapanalig na si Graham .Sila iyong mga tumutulong na walang hangad na kapalit at ayaw ipagsigawan sa madla na sila'y nakatulong ng kapwa at kilala ni Graham ang mga iyon kahit nakapikit ito.
You can not really put a good man down.Si Graham habang tinatapakan ay lalong lumalaban basta't nasa katwiran kaya di malaman ng kalaban kung ano ang gagawin sa kanyang matindi tulad ng ikulong o ipatapon pero hayun at naroon pa at nakatayo ang gusto nilang manikluhod at magmakaawa sapat na sana upang tigilan siya. Knowing Graham Lim ,di niya gagawin ang isuko ang laban ng ganun lang at walang presyo ang kanyang krusada.Pero kahit na nga puro sangga sa mga bawat ulos sa kanya ay nakakapuntos pa rin ang mama na three-pointers sa international na eksena .
Mapapawi rin ang unos na dinaranas ng naturang BAP boss .Isang araw kapag bali na ang pakpak at pangil ng mga buwitre ay muling mamamayagpag ito at masisilayang muli ang isang jolly Graham sa sports community na kasing-laya ng ibong gala.WEDER-WEDER LANG 'IKA NGA...Abangan ang pagbabalik limlim ni Graham Lim!
LOWCUT- Nagpaabot ng kanyang reklamo ang isa nating tagasubaybay ng ating pahayagan partikular sa UPPERCUT tungkol sa isang masamang karanasang inabot at nalasap sa isang driver ng isang pangunahing bus company na bumibiyahe sa Norte na tunay namang BAD TRIP para sa isang katulad niya na binastos ang pagkatao at pagkababae.Nagulat ang korner na ito sa litanya ng biktimang pasahero na tunay namang isusumpa nito ang driver na kailangang managot sa kanyang demonyong kagagawan na baka di lamang sa kanya nangyari kundi maging sa ibang nabibiktima ng aniya ay manyakol at makating-kamay na tsuper.Sa sunod na pitak ay babalatan natin ang pagkakakilanlan nito...ABANGAN!